welcome to my blog!

welcome to my blog! feel free to leave comments!
maligayang pagdating sa aking blog! ang inyong mga komento ay lubos na pinapasalamatan!

Monday, January 16, 2012

Bituing Walang Ningning

Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig


Kung minsan ang pangarap
Habang buhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
'pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa


Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na isang laksang bituin
'di kayang pantayan ating ningning


Refrain:
Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin


Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig


(Repeat Refrain)

No comments:

Post a Comment