Nakikita ko na
Ang mukha ko dyan sa tshirt mo
Nakikita ko na
Ang litrato ko dyan sa kwarto mo
Pati ang nanay mo tumitili
Kapag nakita na ako
At ang tatay mo kinakanta ito
Nakikita ko na
Ang billboard ko sa EDSA
Pati ang guesting ko
Kay Kris Aquino at kay Boy Abunda
Nakikita ko na rin
Lumalapit sakin si Heart Evangelista
Iiwan niya raw ang Panday
Para ako ay makasama
Chorus:
Malapit na, maghintay ka lamang, o sinta
Malapit na akong sumikat, aaahh
Ang mga text at tawag ko
Na ayaw mong sagutin
Ang mga rosas at tsokolateng alay
Na ayaw mong tanggapin
Nasasayangan talaga ako
Binigay ko na lang sana kay Nikki Gil
Ngayon ay inggit ka na
Sa sweet naming loveteam, dahil
(Repeat Chorus)
Hanggang kelan ba ganito
Mananaginip na lang ba tayo
O gigising na
Gigising na ba ako
Nakikita ko na ang kisame
Ng kwarto ko
Naririnig ko nang nagsisigawan
Ang mga kapitbahay ko
Kay rami ko pang mga labahin
At ulam na lulutuin
Sing dami ng pangarap ko
Na dapat ko nang harapin
(Repeat Chorus)
Malapit na, malapit na
No comments:
Post a Comment